Dennis Padilla, inaming nasasaktan para sa anak na si Julia Barretto

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 07:45 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

MANILA -- Sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap ni Julia Barretto, nanatili ang suporta ng kanyang ama na si Dennis Padilla.

At bilang ama, inamin ni Dennis na nasasaktan siya para sa kanyang anak.

"Oo, siyempre [nasasaktan ako]. Kapag may pinagdadaanan na problema ang anak mo, kahit na hindi kami araw-araw na nag-uusap at nagkikita, siyempre masakit sa tatay 'yun," kuwento niya sa naganap na media conference ng kanyang pelikula na "Sanggano, Sanggago't, Sanggwapo."

Ayon pa sa komedyante, hindi man niya nabasa ang mga naging batikos kay Julia, alam niya na nasaktan ang anak niya sa mga ito.

"Hindi ako nakakabasa ng mga bashing, kasi up to now ang telepono ko ay Nokia pa rin," biro niya. "Actually less stress [para sa akin]."

Sa naging kontrobersiya naman, isa lang ang naging payo ni Dennis para sa kanyang anak.

"Basta ang sinabi ko lang sa kanya, 'Anak 'wag ka muna mag-social media. Magbakasyon ka.' Tapos sinabi niya, 'Tapos ko na 'yung shooting,' kaso may promo daw sila. Sabi ko, 'Bawasan mo na ang schedule mo para makapagbakasyon ka.' Most likely nakinig siya kasi nag-Hong Kong siya," aniya.

Ayon kay Dennis, abala daw ngayon si Julia sa training para sa nalalapit na All Star Games 2019 na gaganapin ngayong Agosto 25 sa Smart Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.