'Crossover na ba?' Dimples Romana at Coco Martin, nagkasama

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 11:53 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

MANILA -- Ikinatuwa ng netizens ang retratong ibinahagi ni Dimples Romana sa Instagram kung saan kasama niya si Coco Martin.

Si Coco ang bidang karakter na si Cardo Dalisay sa seryeng "FPJ's Ang Probinsyano," samantalang si Dimples ay kilala ngayon bilang Daniela Mondragon, ang kontrabida ng "Kadenang Ginto."

Ang dalawang serye ay parehong nasa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

"Crossover na ba?" tanong ni Dimples sa Dreamscape sa kanyang post.

Kamakailan ay nag-cameo appearance ang ilan sa mga sikat na artista ng ABS-CBN sa "Kadenang Ginto," kabilang sina Bea Alonzo at Angel Locsin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.