Unang grand mall show ng 'The Killer Bride,' dinagsa ng fans

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 11:31 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dinagsa ng mga tagahanga ang unang mall show ng bagong serye na "The Killer Bride" na ginaganap sa Lucena City.

Dinaluhan ito ng mga bidang sina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia, at Geoff Eigenmann.

Isang linggo pa lamang ay humataw na sa ratings ang "The Killer Bride," bagay na ipinagpapasalamat ng mga bituin ng serye.

Mapapanood ang "The Killer Bride" mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN, pagkatapos ng "The General's Daughter."

-- Umagang Kay Ganda, Agosto 19, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.