Marco Gumabao, sariling desisyon ang maghubad sa pelikula nila ni Anne Curtis

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 07:55 PM

MAYNILA -- Sa naging pagbisita ng mga bida ng pelikulang "Just A Stranger" sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo ng gabi, inamin ng aktor na si Marco Gumabao na personal choice niya ang maghubad sa ilang eksena ng pelikula nila ni Anne Curtis.

Ayon sa aktor, ito ang unang beses na tumanggap siya ng sexy role para sa isang pelikula kaya naman ibinigay na niya ang lahat para sa proyekto.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Kasi siyempre ito na rin ang path na tini-take ko," aniya sa "GGV."

At dahil sa kanyang matipunong katawan, hindi na rin daw bago kay Marco na pagpantasyahan siya ng mga kababaihan at mga bakla.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Well okay lang naman. Nakakatuwa siya if napagpapantasyahan talaga ako," sabi pa ni Marco kay Vice.

Tungkol naman sa kanyang mga pa-sexy na litrato sa social media, ayon sa aktor ay minsan sinasadya niya ang mga ito. "Kasi syempre kailangan mo magpataas ng engagement sa Instagram 'di ba? Kapag napapansin mo na, ay wala pa akong napo-post na certain likes, mag-post muna ako ng isa."

Kahit bago sa sexy roles, nagpasalamat si Marco sa naging gabay sa kanya ni Anne Curtis na umalalay sa kanilang maiinit na eksena sa pelikula.

Mapapanood ang "Just A Stranger" ngayon Agosto 21 sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.