Joshua Garcia at Julia Barretto, nagpakilig sa 'ASAP' sa Amerika

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 03:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa pagpapatuloy ng "ASAP Natin 'To" sa Amerika, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa mga nagbigay ng kanilang matamis na performance para sa mga Pilipino sa Bay Area.

Matatandaan na bago tumulak sa Amerika, naging laman ng mga balita si Julia dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa hiwalayan ni Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ang "ASAP Natin 'To" sa Amerika ang unang public appearance ni Julia matapos ang kinasangkutan na kontrobersiya.

Sa huling panayam ng ABS-CBN News kay Joshua at Julia, sinabi nilang nanatili ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng pinagdaanan nilang dalawa noon.

Patuloy man ang pagputakte ng isyu kay Julia, todo pa din ang suporta ni Joshua para sa dating nobya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.