Nancy ng Momoland, 'honored' maikumpara kay Liza Soberano

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2018 08:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dumating na sa Pilipinas ang all-girl K-Pop group na Momoland noong Huwebes para sa isang private concert.

Hot topic sa mga netizen ang pagkahawig ng miyembro ng Momoland na si Nancy kay “Bagani” star Liza Soberano. 

Kaya't nang tanungin sa isang press conference nitong Biyernes ay hindi napigilan ni Nancy ihayag ang kaniyang paghanga sa Kapamilya star. 

"Actually I saw on Facebook and Twitter that a lot of fans said I look like Liza so that's why I searched for her pictures and she's so gorgeous, so I'm really honored," aniya.

Wala pang plano si Nancy kung paano niya makikilala nang personal si Soberano. 

Sa parehong presscon, ibinahagi nila kung paano sila mainit na tinaggap ng mga Pinoy fans.

“We also received cakes from Momoland Philippines.” ani Momoland member Daisy Yoo. 

Gusto naman bumalik ni Hyebin Noon sa Boracay at gusto niyang isama ang kaniyang grupo kapag nagbukas muli na ito.

Aniya, gusto niya rin subukan ang adobo at balut.

Excited na ang grupo mag-perform sa kanilang private show pero nangako silang babalik para sa mas malaking concert na mapapanood ng mas marami pang fans. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.