Maja Salvador, kinilig sa tambalang JoshNella

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2019 11:27 AM

MANILA -- Kinilig si Maja Salvador, ang bida ng teleseryeng "The Killer Bride," sa tambalan nina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Nitong Huwebes ng gabi, nag-trending ang JoshNella sa paglabas ng mga karakter nina Joshua at Janella sa pinakabagong serye ng ABS-CBN.

"Kinilig ako. Kayo ba?" ani Maja sa kanyang tweet.

Sa serye, ginagampanan ni Joshua ang karakter ni Elias Sanchez na nakilala ang bagong dayo sa Las Espadas na si Emma Bonaobra (Janella).

Nagpasalamat din ulit si Maja sa netizens sa muling pagti-trend ng kanilang serye nitong Huwebes ng gabi.

Nitong Miyerkoles, naging usap-usapan sa online world ang pagkamatay ni Camila, ang karakter na ginagampanan ni Maja.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.