Matapos ang kontrobersya, Bea Alonzo balik-trabaho na muli

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 05:26 PM


MAYNILA -- Kasabay ng kanyang pagmo-move on sa hiwalayan nila ng dating nobyong si Gerald Anderson, sinimulan na ni Bea Alonzo ang kanyang bagong proyekto sa Star Cinema kasama sina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.

Sa Instagram post ng beteranang aktres na si Rosanna Rocess na kasama rin sa pelikula, ibinahagi nito ang isang litrato kasama si Bea na may caption na "Team Bea kami."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rosanna Roces (@iamrosannaroces) on

Matatandaan na sa huling panayam ng ABS-CBN News kay Bea, sinabi niya na sa kabila ng personal na pinagdadaanan sa buhay, tuloy pa din ang kanyang mga proyekto

"Pinalaki ako ng ABS-CBN na professional, and we always have to show up regardless of what's happening in my life," aniya.

Sa ngayon, nanatili pa rin ang pananahimik ni Bea matapos ang naging pagbuwelta sa kanya ni Julia Barretto.

Inaasahan na mapapanood sa huling bahagi ng 2019 ang inaabangang pelikula nila Bea.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.