Karla Estrada, nakatanggap ng papuri mula sa nobyo dahil kay Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2020 11:21 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jam Ignacio (@jamignacio) on

MANILA -- Isang papuri ang natanggap ni Karla Estrada mula sa kanyang nobyong si Jam Ignacio nitong Huwebes, matapos maglabasan ang mga balita tungkol sa kabaitan ng anak ng aktres na si Daniel Padilla.

Nitong Agosto 12, nabangga ang sports car ni Daniel ng isang tricycle sa Fairview, Quezon City.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hinangaan ng lahat ang naging pagiging kalmado ni Daniel na nagbigay pa 'di umano ng tulong sa nakabangga sa kanya.

Sa Instagram, pinapurihan ni Jam ang pagiging mabuting ina ng "Magandang Buhay" host.

"Behind Great Superstar is a Great Woman!" ani Jam.

Sinagot naman ni Karla ang post ng nobyo ng tatlong pulang pusong sticker.

Sa tweet ni Karla nitong Agosto 12, sinabi niyang maayos ang anak at nagasgasan lang ang sasakyan nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.