Angeline Quinto, hindi ikinahihiya ang pagiging retokada

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2020 12:16 PM

MANILA -- "Proud retokada here." 

Ito ang naging pahayag ni Angeline Quinto sa kanyang post sa Instagram kung saan naging bukas siya sa pagpaparetoke.

Sa kanyang post, muling binalikan ni Angeline ang mga pinagawa niya sa kanyang katawan, tulad ng eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, Thermage, breast reduction at Glutathione injection.

Giit din ng mang-aawit, bagama't pinlano ay hindi naman natuloy ang operasyon niya para mapaganda ang kanyang ilong.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

Sa nauna pang post ni Angeline, sinabi niya na hindi niya maintindihan kung bakit malaking isyu sa ibang tao ang pagpaparetoke ng mga artista. 

Aniya, hindi niya kailanman ikinahiya kung anuman ang ipinaayos niya lalo't kailangan ito sa kanyang trabaho.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

"Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. Never ko ikinahiya kung ano ang mga pinagawa ko. At hanggang ngayon napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho 'yun at kung may pangbayad naman bakit hindi," ani Angeline.

"Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao 'yung ipangbayad, mas pangit ho," dagdag ni Angeline.

Matatandaang noong 2014 ay sumailalim sa liposuction at cosmetic surgery si Angeline. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.