Moira Dela Torre, ipinaliwanag ang naging problema sa kanyang ilong

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 04:03 PM | Updated as of Aug 14 2019 08:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Matapang na sinagot ng singer na si Moira Dela Torre ang naging dahilan ng kanyang mababang energy level habang ginagawa ang "Idol Philippines."

Matatandaan na nitong Linggo sa "Gandang Gabi Vice", ipinagtanggol ni Vice Ganda ang kapwa hurado sa Kapamilya singing search na dumadaan noon sa problema sa kanyang kalusugan.

"I'm 85 percent well," bungad ni Moira sa kanyang "Braver" concert press conference nitong Martes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dito, ipinaliwanag ni Moira ang kanyang pinagdaanan sa kanyang kalusugan.

"Well basically, may nagkamali. And my nose went on necrosis and it's a very simple procedure. It's non-invasive but it went wrong and hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening," sabi ng singer.

Ayon kay Moira, kinailangan niya na magpahinga ng halos tatlong buwan para pagalingin ang naging impeksiyon sa kanyang ilong.

"So I was at high risk of being blind, of aneurysm, heart attack, and a stroke. And for almost three months, I was at home recovering because I was on house arrest. But I'm better now," aniya.

"God is good. I'm healed, I'm 85 percent healed and I feel like I'm a hundred percent healed internally. I feel like this whole season really made me so much braver," patuloy ni Moira.

Dahil sa hindi inasahan na pagkakamali, mas pinili na lang ng Kapamilya singer na hindi ireklamo pa ang naging problema sa nasabing doktor.

"Ayaw ko po, naaawa po ako e. Napatawad ko na rin naman po and I know that person did not mean to do that, so I've forgiven that person and we're good. He helped me. That person helped me fix everything," aniya.

Sa kabila ng pinagdaanan, nanatili ang suporta ng kanyang mister na si Jason Hernandez.

"Siyempre he was super calm but I know he was super scared inside kasi bagong kasal kami e, like [it happened] a month after our wedding or two months after our wedding. But the whole time every day, he was in the hospital with me," kuwento ng singer.

Inamin din ni Moira na dala ng naging impeksiyon sa ilong, nangibabaw din ang kanyang takot.

"It was really a tough season kasi ang dami kong nawalang trabaho, feeling ko dahil nasa gitna ng mukha ko 'yun. Tapos ang dami pang sakit na sobrang high-risk ako. It wasn't just my career that I was gonna lose. It was my life, you know, my eyesight, and I wouldn't be able to see my husband," aniya.

"There's so much fear that was building up, but at the same time that season, I feel like I became fearless after."

Sa huli, malaki ang pasasalamat ni Moira na nalagpasan niya ang malaking hamon sa kanyang kalusugan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.