Joshua Garcia, may hugot tungkol sa pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 01:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang hugot ang binitiwan ni Joshua Garcia tungkol sa pag-ibig sa naging pagbisita niya at ni Janella Salvador sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Magkatrabaho sina Joshua at Janella sa inaabangang serye na "The Killer Bride" na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Nang matanong kung ano ang pinakamalaking aral na natutunan niya pagdating sa pag-ibig, sagot ni Joshua: "Ako, natutunan ko na maging kontento ako. Kontento sa kung ano ang mayroon ako. Tapos 'yung tipong kahit na isang linggo kayong hindi magkita, 'yung ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya, 'yung ganun."

Matatandaang huling naugnay si Joshua kay Julia Barretto. Nitong Hunyo, inamin nina Joshua at Julia ang kanilang hiwalayan pero iginiit na nananatili silang magkaibigan.

Matapos ang hiwalayan nina Joshua at Julia, lumabas naman ang balitang nag-uugnay kay Julia sa naging leading man nito sa pelikulang "Between Maybes" na si Gerald Anderson.

Sa ngayon, ayon kay Joshua, nais na muna niyang pagtuunan ng pansin ang sarili.

"'Yun nga rin ang parang mina-master ko ngayon -- mahalin ko muna ang sarili ko," ani Joshua bilang pagsang-ayon sa natutunan naman ni Janella pagdating sa pag-ibig.

"Know your worth. In a relationship kasi you cannot love the other person properly kung hindi mo mamahalin ang sarili mo. So never forget about your worth kahit nasa relationship ka. Alamin mo pa rin kung ano ang makakabuti sa buhay mo individually hindi lang para sa inyong dalawa. At kung magkapareho kayo ng plans eh di that means you are meant for each other. Pero but don't forget about yourself," pagbabahagi naman ni Janella na hindi rin nagbabago ang nais pagdating sa kanyang ideal man.

"Me kasi ever since I was small, wala talaga akong image ng dream guy ko. Ang gusto ko lang talaga ever since, which until now pareho pa rin is, kasi nga lumaki ako sa broken family na okay na, na-resolved wala naman akong hard feelings, pero siyempre ang hinanap ko was a father figure, hindi ba? So sabi ko paglaki ko I want to end up with a complete family. Someone who will really stick with me til the end. 'Yung kapag nagkaroon kayo ng problems or whatever, 'yung kakausapin ka. Mature mag-deal with problems. Someone who will, basta maramdaman ko na totoo 'yung pagmamahal," ani Janella na huli namang naugnay sa aktor na si Elmo Magalona.

Samantala, isang "mother figure" naman ang hinahanap ni Joshua sa kanyang dream girl.

"Same kami ni Janella. Wala rin akong specific na dream girl kasi ako basta na feel ko na love ko 'yung babae o feel ko 'yung babae. Wala akong arte sa babae. ... Same kami (ni Janella) since broken family din ako. Naghanap din ako ng mother figure. So gusto ko 'yung aalagaan ako," ani Joshua.

Magsisimulang mapanood ang tambalan nina Joshua at Janella sa "The Killer Bride" simula ngayong Lunes, Agosto 12.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.