Julia Barretto tikom ang bibig sa love life

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2020 12:56 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

MAYNILA — Tumanggi si Julia Barretto na sagutin kamakailan ang tanong ng mga netizen ukol sa kaniyang love life.

Sa kaniyang vlog na inilabas noong Martes, inihayag ni Barretto na hinding-hindi na siya sasagot sa mga tanong tungkol sa estado ng kaniyang buhay pag-ibig.

"Why is everyone asking about my love life? I'm not gonna answer that question ever again," ani Barretto sa dulo ng kaniyang vlog.

Watch more in iWant or TFC.tv

Noong Mayo, tila nagpahiwatig si Barretto na mayroon siyang bagong karelasyon sa pagsabi niya ng "I'm gonna protect it with all that I have" sa isang radio interview.

Tumanggi rin ang 23 anyos na aktres sa interview na sagutin kung single ba siya o hindi.

Nakarelasyon noon ni Baretto ang kaniyang on-screen partner na si Joshua Garcia pero naghiwalay sila noong kalagitnaan ng 2019.

Matapos iyon ay naiugnay si Barretto sa kaniyang "Between Maybes" co-star na si Gerald Anderson pero pareho nilang itinanggi na sila'y magkarelasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.