Daniel Padilla at Gerald Anderson, sanib-puwersa sa All-Star Games

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 03:07 PM

MANILA -- Magkakampi sina Daniel Padilla at Gerald Anderson sa All-Star Games 2019.

Ngayong taon, tatayong co-captain ni Gerald para sa Star Magic Warriors o Team Red si Daniel, na tinaguriang "King of Hearts" ng showbiz.

Matatandaang magkalaban ang dalawa sa mga nakaraang All-Star Games. Captain ng Team Red si Daniel, samantalang pinangungunahan ni Gerald ang Team Blue. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Events (@stareventsph) on

Maliban kina Daniel at Gerald, kabilang din sa Team Red sina Zanjoe Marudo, JC de Vera, Ejay Falcon, Joseph Marco, at iba pa. 

Makakalaban nila ang It's Showtime All Stars o Team Blue na pinangungunahan ni Vice Ganda.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Events (@stareventsph) on

Magaganap ang 2019 All-Star Games sa Araneta Coliseum sa Agosto 25.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.