Xian Lim, walang problema sa pagtanggap ni Kim Chiu ng mature roles

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 03:59 PM | Updated as of Aug 08 2018 04:33 PM

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

MAYNILA — Proud si Xian Lim sa dating ka-love team na si Kim Chiu sa pag-e-explore nito ng karera bilang solo artist.

Kuwento ng aktor sa panayam ng ABS-CBN News sa naganap na “Miss Granny” press conference nitong Martes, hindi daw isyu sa kanya ang pagkakaroon ng bagong kapareha ni Kim sa iba nitong proyekto.

“Kim, as an artist, she can be paired with anyone, and she can be given any type of project and maganda 'yung kakalabasan. She’s amazing like that,” sabi ni Xian.

Wala din daw problema sa aktor ang pag-level up ng mga roles na gagampanan ni Kim sa upcoming projects nito.

“I think it’s time naman to start doing things she loves. Hindi na siya 'yung parang natatakot,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Xian, napapanahon na para kay Kim na tumanggap ng mature roles dahil kaya naman ito gampanan ng aktres.

“Hindi siya dapat matakot e. I mean she’s good. Ang kalaban lang naman natin sarili nating utak e. I’m happy for her na she’s taking this leap,” pahayag pa ni Xian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.