Iza Calzado, ikakasal na ngayong taon

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 11:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ilang buwan na lang at magaganap na ang pag-iisang dibdib ng aktres na si Iza Calzado at nobyo nitong si Ben Wintle.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Iza na bago matapos ang taon ay magaganap na ang kasal.

"Sa end of the year na," ani Iza na hindi na nagbigay ng iba pang detalye sa kasal maliban sa kung sino ang maghahatid sa kanya sa altar.
 
"Siyempre kuya ko si Dash," ani Iza.

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon nang mag-propose si Ben kay Iza.
 
Pero bago ang kasal, mapapanood si Iza sa paparating na serye na "Ngayon at Kailanman" kung saan bibida sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

"It's a very classic na teleserye. Nanggaling ako sa 'A Love To Last' kasama ko rin si Julia roon. Very realistic ang approach noon. Ito maibabalik tayo sa tipong 'Pangako Sa 'Yo,' warring clans, telenovela, mabigat," ani Iza.

Bibida rin si Iza sa pelikulang "Distance" palabas na sa mga sinehan kasama ang iba pang kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival.

"Very, very exciting siya kasi ang simple lang ng premise nung pelikula. Parang iniwan ko ang pamilya ko before tapos 'yung lover ko dies. So, susunduin ako ni Nonie to be with the family again. Tapos, alam mo 'yung tipo ng pamilya na hindi pinag-uusapan kung ano ang nangyari pero nararamdaman mo ang tensiyon, hanggang sa isang araw sasabog na lang," ani Calzado na kailan lang ay muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya network.