Maymay Entrata at Edward Barber, tatlong taon na ang love team

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 03:18 PM

MAYNILA -- Extra special ang naging third anniversary ng tandem nina Maymay Entrata at Edward Barber na nagbabakasyon ngayon sa Amerika.

Sa Instagram post ni Maymay, masayang binati ng Kapamilya star ang kanilang mga fans na todo pa rin ang suporta sa kanilang samahan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

"Happy 3rd anniversary sa mahal naming MayWard family! Sa pamilyang patuloy na binibigyan kami ng rason para mas maging thankful sa kung anong journey ang naabot natin," ani Maymay sa post.

Ipinaabot din ni Maymay ang kanyang pasasalamat sa suporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang fans.

"Maraming salamat po sa patuloy na pagmamahal at sa suporta ng walang katumbas. Mahal namin kayo," aniya.

Taong 2016 nang mabuo ang tambalan nina Maymay at Edward na nagsimula sa loob ng "Pinoy Big Brother" house.

Sa kanilang pagbabalik Pilipinas, kasado na rin ang kanilang "M.E. & U." concert na gaganapin ngayong Setyembre 27 sa New Frontier Theater.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.