Xian Lim, nilinaw ang 'showbiz rejection' na nararamdaman

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2018 08:58 PM

MAYNILA — Binigyang linaw ng aktor na si Xian Lim ang kanyang naging emosyonal na tweet kung saan ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman na "showbiz rejection."

“A bunch of people in the industry may not like me, a couple may shut me out completely and not give me a chance, some love to judge and make up lies,” sabi ni Xian sa kanyang tweet.

“I say it’s fine. When all things have been said and done, be sure to do what it is that makes you happy.” 

Sa panayam ng ABS-CBN News at entertainment press sa naganap na “Miss Granny” press conference nitong Martes, nilinaw ni Xian na nais lamang niya na magbigay inspirasyon sa mga tao na makakabasa nito.

Xiam Lim sa press conference ng 'Miss Granny.' Mula sa Facebook page ng Viva Films

“People shouldn’t give up instantly. Parang I wanted to share my journey of mga bagay na talagang masakit, ‘di ba?" aniya. “I mean, parang being in front of the camera, being a public figure, you’re open to harsh comments especially ngayon.”

Kuwento ni Xian, bilang artista daw ay normal na ang makatanggap ng mga negatibong komento, lalo na sa social media.

“I just felt I have that story to tell, that might inspire some people reading. As an artist, I’m sure all the artists, performers, they will always receive negative comments. I mean lagi kami nakakatanggap ng ganyan (rejection),” sabi pa niya.

Pero paliwanag ng aktor, walang naging hugot o dahilan ng kanyang kontrobersyal na social media post.

“I just felt na maybe it’s time to share some experiences, I think that's what kulang. Sinasabi natin 'yung mga magagandang nangyayari but how about sad things na nangyayari? How come we’re not allowed to share that to people?” pahayag ni Xian.

Sa ngayon, looking forward na si Xian sa Agost0 22 para sa showing ng “Miss Granny” kasama sina James Reid at Sarah Geronimo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.