Sarah, may malalim na hugot sa 'Miss Granny'

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2018 05:57 PM | Updated as of Aug 09 2018 09:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinahagi ni Sarah Geronimo ang kaniyang mga natutunan mula sa kaniyang karakter sa "Miss Granny," na may kinalaman aniya sa pagpapahalaga sa sariling buhay.

"'Yung passion for life... Not just for your dream, not just for your family or for love, 'yong love mo for life," sabi ni Geronimo sa panayam ng ABS-CBN News.

Susundan ng pelikula ang isang lola, na gagampanan ni Nova Villa, na magiging bata muli (Geronimo) matapos makuhanan ng retrato sa isang misteryosong studio.

Ang pagbata ng bidang karakter ang magiging paraan para matakasan niya ang mga problema sa personal niyang buhay, gaya ng hindi pagkakasundo sa mga anak at apo.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Importante iyon eh, na everyday is another chance to live your life... 'yong mga choices mo, paano iyon makakatulong para ma-refuel ka ulit, ma-ignite ulit 'yong fire sa puso mo na mabuhay kahit gaano kahirap ang buhay," ani Geronimo.

Kaugnay sa pagpapakatatag at pagbangon, nagbahagi rin ang binansagang "Popstar Royalty" ukol sa mga natutunan niya matapos mag-breakdown noong Abril sa isang concert sa Las Vegas.

"Kasi minsan nakakalimutan natin kung gaano tayo ka-blessed sa buhay eh. 'Yong simpleng gumising ka lang sa umaga na may buhay ka pa," ani Geronimo.

"'Yon 'yong mga nakakalimutan mong ipagpasalamat. The little things," aniya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipalalabas sa mga sinehan simula Agosto 22 ang "Miss Granny," na dinirek ni Joyce Bernal, at pagbibidahan din nina James Reid at Xian Lim.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.