Karla Estrada, may bagong online show sa YouTube

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 12:06 PM

MAYNILA -- Isang bagong online show ang pinagkakaabalahan ngayon ni Karla Estrada.

Nitong Miyerkoles, inanyayahan ni Karla ang mga tagahanga na suportahan ang programa niyang "Dear Momshie Karls" sa YouTube na magsisimula ngayong Sabado.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

"lang araw na lang at mapapanood niyo na ang unang episode ng 'Dear Momshie Karls' sa Sabado! Excited na kong makakwentuhan kayo!" ani Karla sa Instagram.

Ani Karla, nakatakda niyang ilabas ang teaser ng bagong show ngayong Huwebes, Agosto 6.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.