Julia Barretto may buwelta sa umano'y ginawang pambu-bully ni Bea Alonzo

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 08:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Pumalag ngayong Martes si Julia Barretto sa umano'y "bullying" na ginawa ni Bea Alonzo matapos siyang madawit sa hiwalayin ng aktres at ni Gerald Anderson. 

Si Barretto ang itinurong dahilan umano kung bakit naghiwalay si Alonzo at ang kaniyang "Between Maybes" co-star na si Anderson.

Sa isang Instagram post, pumalag si Barretto sa mga pag-like ni Alonzo sa ilang Instagram photos na naging dahilan umano ng mga pang-iinsulto sa kaniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

"You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos putting malice into the minds of many... That is downright bullying," sabi sa retratong ipinost ni Baretto.

"You can play victim all you want but I refuse to be your victim," dagdag ng aktres.

Nilinaw rin ni Barretto ang isyung nangaliwa siya sa dating nobyo at katambal na si Joshua Garcia.

Ayon kay Barretto, 4 na buwan na silang hiwalay ni Barretto at wala ring third party rito.


-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.