Daniel, proud kay Kathryn sa galing nito sa 'Hello, Love, Goodbye'

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 12:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Proud boyfriend si Daniel Padilla sa kanyang nobyang si Kathryn Bernardo na bida sa matagumpay na pelikulang "Hello, Love, Goodbye" kasama si Alden Richards.

Sa press conference ng "ASAP Natin 'To," sinabi ni Daniel na very proud siya sa performance ni Kathryn sa pelikula at hanga rin siya sa sakripisyo at sipag ng nobya para magampanan ang role bilang isang domestic helper sa Hong Kong.

Sa ngayon ay kumita na ng higit P250 milyon ang "Hello, Love, Goodbye."

-- Umagang Kay Ganda, Agosto 5, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.