Kapamilya stars full force para sa 'ASAP' show sa San Francisco Bay Area

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2019 08:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasado na ang lahat at biyaheng San Francisco Bay Area na sa Amerika ang ilang Kapamilya stars para sa "ASAP Natin 'To" at ika-25 anibersaryo ng The Filipino Channel (TFC) ngayong weekend.

Kabilang dito sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Moira dela Torre, Kyla, Yeng Constantino, Billy Crawford, TNT Boys, Janine Berdin, Morissette Amon, KZ Tandingan, at iba pang mang-aawit.

Makikisaya rin ang mga teleserye stars gaya nina Coco Martin, Angel Locsin, Paulo Avelino, Kadenang Ginto stars, Tony Labrusca, at Maja Salvador.
    
Makiki-join din ang love teams gaya ng tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at maging sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Hindi naman naiwasang ulanin ng tanong si Barretto nang dumating ito sa airport.

Maaalalang sangkot umano ang aktres sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Kalmado at umiwas na sa pagsagot sa intriga si Barretto at sinabing excited lang siyang pumunta sa San Francisco.

"I'm excited for ASAP and to see our kababayans in the Bay Area," aniya.

Wala pang opisyal na pahayag ang mga kampo nina Barretto at Anderson ukol sa isyu.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.