Carlo Aquino humingi ng tawad kay Angelica Panganiban

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 08:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinunyag ni Carlo Aquino na humingi siya ng tawad sa dating nobyang si Angelica Panganiban dahil sa naging gusot sa kanilang relasyon. 

"Nag-sorry ako sa kaniya... Di ko kailangan mag-sorry in public dahil napaplastikan ako," sabi ni Aquino sa press conference ng kaniyang concert.

"Personal 'di ba? Mas maganda 'yon, ilang beses naman kaming nag-usap," ani Aquino.

Sinagot din ni Aquino ang mga pahayag ni Panganiban na ayaw na nitong makasama ang aktor sa trabaho.

"Siguro 'yong emotions niya, valid 'yon, di ba? Kung iyon 'yong nararamdaman niya, ibigay na natin sa kaniya 'yon," anang aktor.

Noong weekend, isang fan ang nag-request sa Twitter na magsama ulit si Panganiban at Aquino pero tumanggi rito ang aktres.

Ayon kay Panganiban, gusto niyang maging mabuting tao pero ayaw niyang maging "bobo."

Sinabi rin ni Panganiban na hindi na "nag-e-exist" sa kaniyang buhay si Aquino. 

-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.