Yam Concepcion, todo na ang paghahanda para sa 'Love Thy Woman"

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 12:56 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

MAYNILA -- Todo paghahanda na ngayon ang aktres na si Yam Concecpcion para sa kanyang nalalapit na pagbabalik-teleserye

Si Yam ang pinakabagong dagdag sa cast ng inaabangan na seryeng "Love Thy Woman" na pangungunahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Markado man bilang si Jade Bartolome sa "Halik," bagong atake sa karakter ang inihahanda ni Yam para sa paparating na proyekto.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Nanonood ako ng mga vlogs and interviews ng mga babae that I can get inspiration for my character. Sa ngayon inaaral ko pa, nasa stage pa lang ako ng research," tugon ng aktres sa panayam ng ABS-CBN News.

"Sino nagsabi ako ang mangaagaw dito?" pabiro pa niyang pahayag.

Bukod sa bagong karakter, bago din para kay Yam ang makasama sa isang proyekto ang mga beteranong aktor at aktres na bahagi ng programa.

"Very happy and excited! Thankful ako dahil sa bagong opportunity na ito. Looking forward working with Kim and Xian and the rest of the cast of 'Love Thy Woman,'" aniya.

Inaasahan na bago magtapos ang 2019, mapapanood na ang "Love Thy Woman" sa Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.