Baron Geisler, naninibago sa hamon ng long-distance relationship

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 11:49 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi madali para kay Baron Geisler ang long-distance relationship nila ng fiancé na si Jamie Evangelista na nakabase sa Cebu.

Sa unang pagkakataon, humarap sa telebisyon si Baron kasama ang mapapangasawa sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

"Actually the truth is noong nagliligawan kami, sabi ko, 'Jamie, huwag ka sana ma-adik sa akin.' Pero ang nangyari nagkabaligtad, ako 'yung sobra-sobrang na in love na hindi puwede 'yung isang araw na hindi ko siya makausap o makita. Ang problema lang mayroon akong attachment problems, needy minsan," pag-amin ni Baron.

"I'm trying to fix that now and trying to parang understand and really deal kung paano mag-work ang long-distance relationship (LDR)," dagdag ng aktor na isa sa mga bituin ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Pag-amin rin ni Jamie naninibago pa siya sa pagkakaroon ng LDR, pero giit niya lagi lang siya nariyan para suportahan ang aktor.

"Sometimes naninibago but I know my place and I'm just here to support him. 'Yung health niya ay priority talaga. So I'm just here to remind him. I know naman, no question about his talent because he's so passionate when it comes to work. 'Yung reminders ko sa kanya ay behavior lang, 'yung attitude mo towards everyone, kalma lang and everything," ani Jamie.

"With me kasi Baron is very vocal na he gets anxious so sa part ko gusto ko positive lang. So when he gets anxious I remind him na we have goals, you cannot fallback, you cannot do this, focus lang. Check and balance kami. If ako ang emo, siya 'yung dapat matatag," dagdag ni Jamie.

Ayon kay Baron, September 7, 2018 noong maging opisyal ang relasyon nila ni Jamie na isang single mother sa dalawa nitong anak sa dating nakarelasyon.

Ayon kay Baron, tanggap at mahal niya ang mga anak ni Jamie.

"Yes, na-in love agad ako sa mga bata. ... and me wanting to be a father na for a very long time parang long overdue na talaga. So maganda rin na maging praktis para sa akin ito para kapag nagkaroon kami ng sarili namin ni Jamie ay alam ko na kahit paano mag-alaga ng baby," ani Baron.

Para naman kay Jamie, tinanggap at minahal niya ang aktor sa kabila nang nakaraan nito.

"Ako, I didn't judge him sa past niya. Binigyan ko siya ng chance and I figured out na hindi siya shallow, matalino pala itong taong ito, he is interesting to talk to, like hindi siya mababaw," ani Jamie.

Para naman kay Baron, si Jamie ang taong nagpakita sa kanya ng suporta para makapagbagong buhay.

"Siya 'yung nag-support sa akin, nagpataas ng morale ko na you have so many chances in life," ani Baron.

Nito lamang Hulyo 14 ay naganap ang engagement nina Baron at Jamie sa Cebu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.