Yam Concepcion, balik-teleserye sa 'Love Thy Woman'

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 05:53 PM

MAYNILA -- Mula sa markadong karakter sa "Halik" bilang si Jade Bartolome, muling magbabalik-telebisyon si Yam Concepcion sa inaabangan na "Love Thy Woman" na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Sa Instagram post ng Dreamscape Entertainment, kinumpirma nito ang pagiging bahagi ng aktres sa inaabangang Kapamilya serye.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Si Yam ang inaasahang kapalit ni Erich Gonzales sa programa na napabalitang nag-back out dahil sa kanyang kontrabida role sa tambalan ni Kim Chiu at Xian Lim.

Bukod kay Kim, Xian at Yam, bahagi rin ng programa sina Christopher De Leon, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez at Jennifer Sevilla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.