Lance Busa, pangarap maging bahagi ng 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 03:21 PM | Updated as of Jul 29 2019 04:13 PM

Lance Busa performs "Akin Ka Na Lang." Michael Bagtas, ABS-CBN News

MAYNILA -- Ramdam na ramdam ng "Idol Philippines" finalist na si Lance Busa ang naging suporta sa kanya sa katatapos lang na Kapamilya singing search.

Aniya, hind man nakuha ang titulo sa "Idol Phiippines," isang magandang pagkakataon ang naibigay sa kanya ng programa para ibahagi ang kanyang talento sa pag-awit. 

Watch more in iWant or TFC.tv

"Feeling ko din po victory na para sa akin na natanggap ako ng tao at nakapasok ako sa Top 3. Ang daming beses po kasi na nasa dulo lang ako. Napuno ng doubt sa sarili ko na baka akala ko hindi nila gusto ang musika ko, pero andito pa din ako and sobrang thankful po ako," tugon niya sa panayam.

At dahil sa mga positibong papuri na ibingay sa kanya ng mga hurado, isa din sa mga pangarap ngayon ni Lance ang maging bahagi ng "ASAP Natin 'To."

"That would be my dream. Bata pa lang po ako, pangarap ko na ang maging regular [performer] sa 'ASAP.' Kaya sana po, magka-totoo," aniya.

Hindi man sinuwerte ngayon, nanatiling positibo si Lance na may nakalaan na plano para sa kanyang mga pangarap.

"With God kasi, Siya ang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon dito sa 'Idol' at alam kong hindi pa dito titigil ang lahat ng blessing na binigay Niya sa akin," pahayag pa niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.