Pia Wurtzbach tutulak sa LA para sa posibleng Hollywood projects

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 07:22 PM

Kasama si Pia Wurtzback sa Kapamilya performers sa dalawang araw na London Barrio Fiesta. Larawan mula kay Albert Mallari

LONDON – Diretso sa Los Angeles si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa mga posibleng project opportunities sa Hollywood matapos ang matagumpay na paglahok sa Barrio Fiesta sa London.

“I’m going straight to LA for meetings and hopefully if things push through, maybe that dream can happen one day,” sabi ni Wurtzbach.

Matatandaang aspirant din si Wurtzbach para sa papel na Darna. Pero suportado niya ang napiling gaganap ng Darna na si Jane de Leon.
 
“Everybody would be honored to play that iconic role. Nakakatuwa 'yung si Jane. I haven’t met her, but I want to meet her. And congratulations on that. I can’t wait to see it,” sabi niya.

Itinuturing na second home ni Wurtzbach ang UK dahil dito nakatira ang nanay niya at kapatid. Nagtrabaho rin daw siya rito ng tatlong taon.

“I worked in one of the hotels here as a waitress before. I studied culinary arts. It’s surreal. Every time I’m here, I just spend it with family,” sabi niya.

Isa ang beauty queen sa Kapamilya performers sa dalawang araw na 35th London Barrio Fiesta kasama sina KZ Tandingan, Inigo Pascual, Zanjoe Marudo, Ogie Alcasid at Anne Curtis.

Ang London Barrio Fiesta ay nasa ika-35 taon nang inoorganisa ng Philippine Center. Makahulugan ang taong ito dahil nagdiriwang rin ng ika-25 taon ang TFC, na partner ng Philippine Center sa okasyon.

Nais ni Wurtzbach na patuloy na maging inspirasyon sa mga overseas Flipino workers dahil minsan na rin siyang nangibang bayan para magtrabaho. Hindi daw niya binitiwan ang pangarap na maging beauty queen at natupad niya ito.

“Na-experience ko din ‘yan, working abroad, daydreaming about things. (Thinking) when are they gonna come true. Dreams come true. Don’t give up,” paghikayat niya. -- May ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.