Anne Curtis, nagpasaya sa mga Pinoy sa Barrio Fiesta sa London

Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 06:35 PM | Updated as of Jul 24 2019 08:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

LONDON - Isa si Anne Curtis sa Kapamilya performers na dumayo sa London para sa pinakamalaking Barrio Fiesta event na inorganisa ng Philippine Centre at The Filipino Channel. 

Ginanap ito noong nakaraang Sabado at Linggo sa Apps Court Farm, Surrey. Taunan itong dinadayo ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang bahagi ng Europa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

All out ang performance ni Anne na hindi rin nagpapigil sa pagbirit. May duet din sila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

Pero may special guest si Anne. Nanood ang kaniyang ama at kapatid na lalaki na nakatira sa UK. Sa video, makikita ang tatay ni Anne na proud na kumukuha ng video ng kaniyang anak habang nagpe-perform siya. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa panayam sa ABS-CBN News Europe, masayang ibinahagi ni Anne ang blissful life niya. 

“We’re very happy, we’re content and things are amazing,”sabi ni Anne. 

Di rin daw seloso ang asawang si Erwan lalo na at katambal niya ang mas nakababatang actor na si Marco Gumabao sa “Just Strangers,” kung saan may mapangahas silang love affair. 

“He’s a lot younger than I am so it adds a different flavor. But I’m very excited because I’m going back to my roots, which is sexy drama, like when I did in 'No Other Woman,'” paliwanag ni Anne.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.