Kakai Bautista, babanggain si Anne Curtis sa takilya

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 12:02 PM

MAYNILA -- Aminado si Kakai Bautista na nakaka-ramdam siya ng kaba sa nalalapit na showing ng kanyang pelikula na “Harry & Patty.” 

Ito ang unang lead movie ni Kakai na makakatapat ang action movie na “Buy Bust” na pagbibidahan naman ni Anne Curtis ngayong August 1.

 

A post shared by Catherine Bautista (@ilovekaye) on

“Medyo natatakot po, pero bahala na lang si Lord kung gusto manood ng mga tao ng movie namin. If they want to feel good, and they want to fall in love, just (to) be happy, good vibes lang, pwede sila manood talaga,” sabi ni Kakai.

Naniniwala din daw ang komedyana na sobrang magkaiba ang dalawang pelikula.

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

“I’m a fan of that movie ['Buy Bust'], I’ve seen clips of that sa trailer, and I believe sobrang ganda ng movie na ‘yun. Pero ang layo po ng tema ng movie namin,” paliwanag pa ni Kakai

Sa huli hangad ni Kakai ang mainit na suporta ng mga Pinoy sa mga pelikulang Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.