Dani Barretto, may patutsada sa mga naninira kay Julia Barretto

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 03:23 PM

MAYNILA -- Hindi napigilan na dumipensa ni Dani Barretto para sa kanyang kapatid na si Julia Barretto.

Kasunod ito ng naging malaman na post ni Bea Alonzo sa kanyang social media account patungkol kay Gerald Anderson na nauugnay ngayon kay Julia Barretto.

Sa pamamagitan ng Twitter, idinaan ni Dani ang kanyang saloobin sa isyu ng nakababatang kapatid.

"Nag-usap lang sa party, at may chismosang nag-decide mag-picture, cheating na agad? Bawal ang 'hi' sa isa’t isa, bawal magkamustahan? Cheating na agad 'yun?! They worked together!! Of course, they're friends! Pati 'yun bawal na din?" sabi ni Dani sa Twitter post.

Nagpatutsada din si Dani sa nagpakalat umano ng mga larawan ng kanyang kapatid at ni Gerald.

"Of course she will say that!!! Her photos can't back up her allegations! Have you seen the photos? There is nothing wrong with them. It is just two people talking.What is so wrong about that?" pahayag ni Dani sa post.

Bukod kay Dani, nauna na ring dumipensa para kay Julia ang kanilang ina na si Marjorie Barretto na pinag-aaralan na din ang pagsasampa ng kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.