Jaya, Jay R at Jason Dy sanib-puwersa sa isang concert

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 12:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Magsasama sa iisang concert ang mga tinaguriang R&B royalties na sina Jaya, Jason Dy at Jay R.

Sa pagbisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, nagbahagi sina Jason at Jay R tungkol sa kanilang concert na "SoulJa" na magaganap sa Agosto 30 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

 

A post shared by Jay R (@rnbjayr) on

"Soul music ang ibibigay namin sa mga Kapamilya natin. Kaya naging SoulJa ang name ng concert namin," paliwanag ni Jason.

Ani Jay R, masaya siya sa pagsasama nilang tatlo para sa isang proyekto.

"Ang galing ng dynamics namin. Kasi wala pa kaming usapan may blending na kami agad. Parang it naturally falls into place 'yung chemistry namin. Ang galing! It's really a nice experience working with these guys," ani Jay R.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.