Jameson Blake, nilinaw ang estado ng relasyon nila ni Elisse Joson

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng aktor at miyembro ng Hashtags na si Jameson Blake na nagdi-date na sila ni Elisse Joson.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, napaamin ang aktor sa estado ng relasyon nila ni Elisse nang ipakita ang retrato nila na magkasama.

"Biglaan ah. Your question is answered. Yeah," ani Jameson sa tanong kung may nagpapatibok ba ng kanyang puso at kung galing ba ito sa "Pinoy Big Brother."

"Kami ni Elisse, we've been talking siguro for mga eight months," ani Jameson.

Nang tanungin kung masasabi niyang "dating" na rin sila ng aktres, sagot ni Jameson: "Somehow, yeah. Hindi ko masabi. We are really like good friends pero hindi kami."
 
Nang hingin kung ano ang mensahe niya kay Elisse, tugon ni Jameson: "Short lang: No matter what, I will always be here for you."

Nito lamang Abril, nang aminin ni Jameson ang pagiging malapit niya kay Elisse.

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa ABS-CBN serye na "Ngayon at Kailanman."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.