Andrea Brillantes, game maging kalaban ni Darna

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 02:57 PM

MAYNILA -- Hindi isinasara ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang posibilidad na mapasali sa muling paglipad ni Darna.

Kasunod ito ng pag-ugong ng kanyang pangalan bilang isa sa mga nababagay na gumanap bilang kalaban ng Pinay superhero.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

"Kung darating po 'yung blessing, siyempre hindi ko po tatanggihan. Pero I don't think na pwede (na) po ako kasi siyempre kaka-16 ko pa lang noong March, so siguro baka sa remake na lang ako ulit. Pero kung darating, siyempre tatanggapin ko," sabi pa ni Andrea sa panayam ng press sa kanyang bagong endorsment.

Matatandaan na markado si Andrea sa kanyang papel na Marga na kontrabida sa Kapamilya series na "Kadenang Ginto."

Watch more in iWant or TFC.tv

At bilang fan ni Darna, masaya din ang "Kadenang Ginto" star para sa magandang proyekto na nakalaan para kay Jane De Leon.

"Actually feeling ko lahat tayo hindi in-expect, pero natuwa ako kasi parang ang sarap sa mata na fresh, bago 'yung nakita natin so wala pa tayong expectation. So super excited lang ako dahil lumaki din akong fan ng Darna noong bata ako si Ate Angel [Locsin]," pahayag pa ni Andrea.

Sa ngayon, patuloy na napapanood tuwing hapon si Andrea sa "Kadenang Ginto."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.