Charo, bukas bang maging 'bampira' sa 'La Luna Sangre'?

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2017 07:29 PM | Updated as of Jul 22 2017 07:39 PM

Matapos mag-trending ang retrato ni Charo Santos bilang bampira sa isang eksena sa 'La Luna Sangre', sinagot na ng award-winning actress kung bukas ba siyang ituloy ang pag-cameo sa nasabing serye. 

Pinag-usapan sa social media noong isang linggo ang paglabas ng retrato ng 'Maalaala Mo Kaya' host bilang isa sa mga bampira sa seryeng 'La Luna Sangre'. 

Ayon naman kay Santos, hindi niya alam na gagamitin ang retrato niya sa serye. 

"May kasalanan ang production sa akin. They didn't ask my permission, pero I was in Europe, touring the different theme parks, then I was told, I was trending. Sabi ko, bakit? 'Yon nga daw, my picture came out in the scene sa 'La Luna'," aniya. 

Matapos pag-usapan ang eksena, agad naman siyang nag-post ng photo sa Instagram na animo'y kakagatin siya sa leeg ni John Lloyd Cruz na gumanap na 'Mateo' sa seryeng 'Imortal'.

 

A post shared by Charo Santos (@charosantos) on

"Sinakyan ko na lang di ba? Chill lang," ani Santos. 

Sinagot naman ng aktres ang fans sa tanong kung siya ay bukas na mag-cameo sa serye. 

"Yeah, I am. [As bampira?] Why not? Para maiba naman."

Maaaring abangan ang 'La Luna Sangre' gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.