Xian Lim, mapapanood sa isang action movie

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 12:35 PM | Updated as of Jul 21 2017 12:37 PM

All smiles at suportado ni Xian Lim si Kim Chiu sa pakikipagpalitan nito ng mensahe sa international pop star na si Justin Bieber, na magko-concert dito sa Pilipinas ngayong Setyembre.

Alam ni Xian kung gaano nito napasaya si Kim, na tutok ngayon sa trabaho. Paglilinaw niya, hindi siya nagseselos sa singer.

Nahasa na rin si Xian bilang host ng Binibining Pilipinas beauty pageant na apat na taon na niyang ginagawa. Kaya't level up si Xian nang kunin siya ng Miss Grand International pageant para maging host nito. 

Kasama niya ang Pinay beauty queen na si Nicole Cordoves, first runner-up ng Miss Grand International 2016, bilang host. Pinaghahandaan na ni Xian ang gagawin niyang hosting sa Thai-owned pageant. 

Bukod sa hosting, tinatapos na rin ni Xian ang isang full action movie kung saan kakaiba ang kanyang magiging role. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.