JM de Guzman, co-producer sa kanyang pagbabalik-pelikula

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 11:12 AM | Updated as of Jul 15 2019 03:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Balik-pelikula si JM de Guzman sa dark rom-com na "Kung Paano Siya Nawala."

Dito gaganap si JM ng isang character na may kakaibang sakit at hahanapin ang tunay niyang minamahal.
 
Bukod sa lead actor, co-producer din si JM sa pelikula na bagong challenge sa kanya. 

"Sobrang blessing siya. Hindi ko rin in-expect na bigyan ako ng opportunity ng TBA (Studios) na mag-co-produce with Rhian (Ramos). So, mas challenging," ani JM.

Napapanood si JM sa teleseryeng "Araw Gabi" at ngayon ay masaya ang aktor na nakabalik na siya muli sa kanyang showbiz career.

"Na-miss ng sobra pero sobrang challenging for me kasi I'm playing two roles, tapos siyempre may pressure pa rin pero na i-enjoy ko naman lahat," ani JM.

Nagbigay patikim pa si JM sa mga aabangan eksena sa "Araw Gabi" na maraming mga pasabog na aabangan.
 
"Actually nandoon na kami sa part na 'yung revelations ilalatag na sa istorya. So, medyo bibigat na. Actually ako marami rin ako hindi pa alam sa mga mangyayari," ani JM.

Napapanood araw-araw tuwing hapon ang teleseryeng "Araw Gabi."

Target namang ipalabas ang pelikulang "Kung Paano Siya Nawala" ngayong October.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.