Jay Manalo, may pasabog sa 'Sino Ang May Sala'

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 11:42 AM | Updated as of Jul 18 2019 11:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Gabi-gabing napapanood sa teleseryeng "Sino Ang May Sala" si Jay Manalo bilang si Lucio Del Rio.

Sa isang panayam sa aktor, nagbigay siya ng trivia sa sadyang iniibang atake niya sa mga eksena sa Kapamilya serye.

"Alam naman nila kung ano role ko doon pero iniiba ko para hindi mabasa ng tao," ani Jay.

Patikim pa ng aktor, aabangan ang pasabog sa kanyang karakter sa serye.

"Abangan po nila 'yung pagbabalik ni Lucio," aniya.

Bukod sa serye, kasama si Jay sa pelikulang "Watch Me Kill" na bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon. 

Ayon sa aktor, out of the box din ang kanyang papel sa pelikula.

"First time ko nakapasok dito. Kahapon ko lang nalaman nakapasok ang pelikula namin ni Jean Garcia," pahayag ni Jay.

Showing na ang "Watch Me Kill" simula Setyembre 13.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.