Jameson Blake, ibinahagi ang dream role sa pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 03:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Next level na ang career ni Jameson Blake dahil pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN Films na gagawa ng kanyang future projects.

Pag-amin ni Jameson, simple lang ang motto na sinusunod niya sa buhay.

"You just have to do what you love and love what you do basically because you'll never bring out the most if you don't love what you're doing," sabi ng aktor.

Kakaiba din ang dream role ni Jameson na gusto na niya sanang matupad at gampanan.

"I wanna be this top agent. I wanna be this high-class CIA agent. Parang similar like that, you know what I mean," ani Jameson.

Kasama din ang aktor sa latest Star Cinema movie na "Hello, Love, Goodbye" bilang kapatid ni Alden Richards. Aniya, hindi niya makakalimutan ang experience makatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina.

"Hindi naman siya nagalit sa akin. She's strict pero I'm not complaining. All in all I appreciate her as a director talaga she knows what she's doing," aniya.

Bukod sa "Hello, Love, Goodbye," bibida rin si Jameson sa "G" na official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.