Ion Perez, minsa'y sinabihan na walang mararating sa buhay

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 04:22 PM | Updated as of Jul 18 2019 04:47 PM

MAYNILA -- Sa naging pagbisita kay Ion sa "Magandang Buhay", muling binalikan ni Ion Perez o mas kilala bilang si "Kuya Escort" ng "It's Showtime" ang mga mapapait na bahagi na kanyang pinagdaan.

Dito, nagbalik kay Ion ang kanyang naranasan na pambu-bully na naging inspirasyon niya sa kanyang buhay.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Noong first-year high school po ako kasi, totoo naman eh, bukod sa pangit ako at noong bata talagang sobrang itim ko. Dahil mahilig ako sa manok, kahit gaano katirik ang araw, pupunta ako ng kabilang barangay, sasabong ako ng manok," kuwento ni Ion.

Hindi naman naging maganda ang dinaanan na kabataan, nanatiling positibo si Ion sa pagharap sa buhay.

"Pero 'yun nung sinabi nila na 'yun, iyun din ang naging motivation ko sa sarili ko kung bakit ako naging ganito ngayon," aniya.

"Basta ang sinabi ko sa sarili ko, isang araw 'pag nakita nila ako hindi nila ako sasabihan na pangit at mabaho ako," patuloy ni Ion.

Ang pinagdaanang pangungutya din ang naging dahilan ni Ion para paghusayan ang naging laban noon sa Mr. Universe Tourism 2018 kung saan siya nagsimulang gumawa ng pangalan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bukod sa pambu-bully na narasan, naibahagi din ni Ion ang naramdaman na pangmamaliit sa kanya ng kanyang sariling kapamilya.

"Yung mga pinsan ni Nanay na nakikita nila na wala kang interest sa pag-aaral, lagi nilang sinasabi na pabigat daw ako kay Nanay, wala daw ako mararating sa buhay, pabigat ako. Kaya sabi ko hindi naman nila talaga alam ang ginagawa ko para sa nanay ko eh," paliwanag niya.

Pero giit ni Ion, katulong naman daw siya ng ina niya sa paglalako ng iba't ibang paninda.

"Hindi naman kailangan na tawagin ko pa sila para ipakita 'yung ginagawa ko para sa nanay ko, kasi alam ko naman sa sarili ko na tama naman ang ginagawa ko. Hindi ko man natutulungan si nanay sa financial, natutulungan ko naman siya sa gawain sa bahay, sa pagtitinda ng kakanin, 'yung paglalako sa paninda. 'Yun ang nagagawa ko para kay nanay dahil ako lang ang lagi niya kasama sa bahay," sabi pa niya.

Dahil sa kahirapan, naranasan din ni Ion ang maliitin siya ng pamilya ng kanyang girlfriend noon.

"Wala daw kinabukasan 'yung anak niya, tambay lang daw ako. Talagang 'yun ang lagi nila sinasabi sa akin, na wala akong marating sa buhay. Sabi ko sa sarili ko, bubuhayin ko naman ang anak niya sa paraan na alam ko. Hindi ko naman gagawin 'yung masasamang gawain para lang may maipakain ako sa anak niya. Ang sabi niya sakin, 'Basta ayaw kita para sa anak ko,'" kuwento pa ni Ion sa "Magandang Buhay."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.