'Hindi po ako maarteng amo': Pokwang, dumipensa sa kasambahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 03:53 PM | Updated as of Jul 18 2019 05:48 PM

MAYNILA -- Tila hindi nagustuhan ng Kapamilya star na si Pokwang ang mga komento ng netizen sa isa niyang post sa Instagram. 

Umani kasi ng mga negatibong komento ang kanyang post dahil bakit daw nauna pang tikman ng kasamabahay ang pagkain ng anak ni Pokwang na si Malia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Pero paliwanag ni Pokwang, "niramdam niya kung mainit ang pagkain, natural ayaw nya mapaso ang bata."
 
"Hindi po ako maarteng amo," giit ni Pokwang. "Napaka-blessed ko dahil mahal na mahal niya ang anak ko!"

"My child, my rules!" dagdag pa ng komedyante, na sinabing masipag siya mang-block "para sa ikawawala ng stress."

Ganun pa man, masaya namang ibinahagi ng Kapamilya star na malapit na din i-launch ang YouTube channel ni Malia na isa sa mga kinagigiliwan ngayon sa social media.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.