Maris Racal at Inigo Pascual, aminadong miss nila ang isa't isa

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 03:43 PM | Updated as of Jul 17 2019 03:55 PM

Magkasamang dumating sina Maris Racal at Inigo Pascual sa launching ng ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Bahagi ng PPP ngayong taon ang kanilang pelikulang "I’m Ellenya L" na inaabangan na ng kanilang followers na matagal nang naghintay para sa proyektong ito.

"Excited po kami dahil almost two years po namin ito hinintay. And ito na, finally dahil na-bless pa kami kasi kabilang siya sa PPP which is isa din sa dream namin dati pa habang sinu-shoot namin and very happy lang kami today," proud na sabi ni Maris.

Dahil matagal nang hindi nakita ng publiko at ng fans ng kanilang love team, aminado sina Maris at Inigo na na-miss nila ang isa't isa.

Dito, bakas ang kanilang pananabik na muling magkasama sa pelikula.

"I performed a couple of my songs nang hindi kasama si Maris and I told her, iba pa din pala 'pag kasama ko siya sa performance," pag-amin ni Inigo.

"Wow! Nice to know ah," pabirong sabi ni Maris.

Matatandaan na kamakailan, naging laman ng mga balita ang pag-lie low ng kanilang tambalan at pag-focus muna nila sa kanilang sariling mga karera.

Pero kung tatanungin kung posible ba ang upcoming projects together ng MarNigo tandem, sabay na pahayag nina Maris at Inigo, "Game kami."
 
"Itong movie na 'to, noong napanood namin, I said before to not act anymore but if it’s with Maris, I'll do it," sabi ni Inigo.

"Game ako and kung may work with Inigo, and kung madali lang 'yan gawin, kasi 'yung vibe namin, masaya lang," pahayag pa ni Maris.

Mapapanood ang "I'm Ellenya L" at iba pang pelikula ng PPP simula Setyembre 13 hanggang 19 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

-- Ulat ni Jeff Fernando

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.