Baron Geisler, tuloy na tuloy na ang kasal sa girlfriend

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 04:07 PM

MAYNILA -- Kumpirmado na ang nalalapit na pagpapakasal ng aktor na si Baron Geisler sa kanyang psychologist girlfriend na si Jamie Evangelista.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by The Wedding Library (@theweddinglibraryph) on

Sa ulat ng Cebu Daily News, naganap ang official na proposal ng aktor kay Evangelista sa Maayo San Remigio, Northern Cebu noong Linggo, Hulyo 14.

Kasama ang kani-kanilang pamilya, pormal na nag-propose ang aktor kay Evangelista.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler) on

Matatandaan na Abril nitong taon, inanunsyo ng aktor ang kanyang planong pagpapakasal sa kanyang nobya na nakilala niya sa rehabilitation center kung saan siya nagpagamot.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa ngayon, bahagi si Baron ng Kapamilya series na "FPJ's Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.