Sam Milby, nagsalita tungkol sa bagong relasyon ng ex

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 06:16 PM

Sam Milby at Mari Jasmine. Kuha mula sa Instagram account nina Milby (@samuelmilby) at Mari Jasmine (@mari_jasmn

Ipinahayag ni Sam Milby ang kaligayahan para sa bagong relasyon ng kaniyang dating nobya, ang TV host at blogger na si Mari Jasmine.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Milby sa gitna ng Araneta concert ng bandang Aegis, nilinaw din ni Milby na walang kinalaman ang hiwalayan nila ni Mari Jasmine sa bago nitong relasyon kay "Baka Bukas" director Samantha Lee.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I'm happy for her. And I want to make it clear, there was no overlapping in terms of that relationship. So to clear her name from that, baka may mga iniisip na, 'Ah kaya pala nag-break sila ni Sam,'" sabi ni Milby.

Magugunitang nitong buwan lang din inamin ni Mari Jasmine sa social media ang relasyon nila ni Lee.

Ayon kay Milby, maayos naman ang pakikitungo nila ngayon ni Mari Jasmine sa isa't isa bagaman hindi na sila malapit gaya nang dati.

"We're okay. Hindi naman kami nag-uusap like friends in that sense, but we're okay," anang aktor.

Unang ibinahagi ng aktor na nagde-date sila ni Mari Jasmine noong 2016. Marso naman nitong taon nang ibunyag niyang hiwalay na sila.

Pinaghahandaan na rin ni Milby ang kaniyang pagbida sa nalalapit na teleseryeng "Halik," kung saan makakasama niya sina Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion.

-- May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.