Barbie Imperial, biktima ng pang-aabuso?

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 12:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Biktima nga ba ng physical abuse ang bida ng teleseryeng "Araw Gabi" na si Barbie Imperial?

Usap-usapan kasi ang tweet ni Barbie na may caption na: "Girls, just because mahal nyo ang isang tao pero sinasaktan kayo phyiscally, hindi pwedeng patuloy yan. HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Binura na ni Barbie ang tweet pero ni-repost ito ng isang fan account.

Nabahala rin ang fans ni Barbie nang mag-post ang aktres ng retrato ng leeg at braso na may mga sugat at pasa.

May caption ito na "no to physical abuse."

Binura na rin ni Barbie ang nasabing post.

Hindi pa nagsasalita si Barbie tungkol sa kanyang post pero noong Sabado nag-tweet siya ng "Be strong."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.