'Parang sinunog ang bahay namin': Sharon Cuneta speaks up about ABS-CBN franchise denial

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2020 01:06 PM

MANILA – For the first time, Sharon Cuneta broke her silence over the fate suffered by ABS-CBN following the denial of its franchise application at the House of Representatives that put a halt on its main broadcast platforms.

In a two-part post on Instagram, Cuneta said it’s okay when people don’t agree with one’s convictions but what’s unnatural is when they do it in a maligning way.

“Pinadaan pa sa 13 pandinig ang mga boss namin sa ABS-CBN na ang ilan, hindi lahat, pero ang ilan sa Congreso ay kung kausapin sila ay pasigaw at parang mga kriminal na mamamatay tao na halos ang mga kausap,” she said.

“Parang paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba, disente, umamin sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na babaguhin ang mali. Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos, napakabilis pala lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN,” she added.

Cuneta also lamented how the denial of the franchise placed thousands of jobs at risk.

“May isang senador na nagsabing maghanap na lang daw ng bagong trabaho ang 11,000 mahigit na empleyadong may mga pamilyang apektado ng pagkawala ng hanapbuhay na ito, gayong may mga 16 million na yatang Pilipino ang nawalan ng trabaho at maraming negosyo na ang napilitang magsara sanhi ng COVID-19. Saan at paano hahanap ng trabaho?” she said.

While saying her relationship with ABS-CBN has not always been perfect, Cuneta said: “Ganoon naman kami -- may kanya-kanyang show sa kanya-kanyang panahon kasi iilang araw lang naman meron sa isang taon at ilang oras lang sa isang araw.”

“Ayoko din ang napanood kong dinaanan ng ilang workers na 'di nabigyan ng kontrata at hanggang sa tinanggal ay temporary pa rin at biglaan pa. Sumama ang loob ko doon para sa kanila. Pero kung nabigyan ako at nila Angel ng pagkakataon, sana nakausap namin ang mga boss at kahit paano ay nakatulong kami sa ilang daang mga kuya naming alam namin kung gaano kahirap ang mga naging trabaho. Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na itama lahat ng pagkakamali,” she said.

Although she only posted about her feelings over the subject matter this time, Cuneta said he vowed to ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak at the very beginning that she was “not going to leave my captain during these most troubled times.”

“Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito. Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala Pacquiao na suntok din. Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking sakit na lang,” she said.

Right now, Cuneta said all she clings to is her faith in God even though she’s already tired of everything that’s been happening not just to ABS-CBN but also the attacks on her family.

“Peace of mind and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. 'Di na ako nagpapaapekto sa negatibo. Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas,” she said.