Jennylyn Mercado, may buwelta sa bashers ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 02:49 PM

MAYNILA -- Isa si Jennylyn Mercado sa mga artista na naghatid ng kanilang suporta sa ABS-CBN, matapos bumoto ang 70 mambabatas na patayin ang panukalang batas na magbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.

Dahil sa kanyang pagsuporta, naging target ang aktres ng mga basher at ilan pa sa mga ito ang nagsabing tumahimik na lang siya lalo't hindi naman siya Kapamilya.

"Respecting other people’s opinion is a value you seem to have forgotten," ani Jennylyn sa Twitter.

"I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice. If being 'bashed' is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech, then I am fine with it," dagdag na hirit ng aktres sa nagsabing maging "neutral" na lang siya para makaiwas sa bashing.

Sa naunang post, nagbigay ng kanyang saloobin ang aktres sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN at mga apektado nito.

"When the Philippines unemployment rate just recorded an all-time high, that’s when the Congress decided to terminate a renewal which will cost and additional thousands of people their jobs. Nasa'n 'yung logic dun?" ani Jennylyn.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.