Kathryn halos mag-back out sa pelikula dahil sa 'rules' ni Direk Cathy

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 06:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inamin ni Kathryn Bernardo na naging mahirap sa kaniya nang mawalay sa nobyong si Daniel Padilla para sa pag-shoot ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" sa Hong Kong.

Ayon kay Bernardo, pinagbawalan kasi siyang gumamit ng cellphone ng direktor na si Cathy Garcia-Molina para maka-relate sa kaniyang karakter na si Joy, isang overseas Filipino worker.

"Sinabi na lang namin basta mag-update-an palagi pag sa mga shoot. Eh kinonfiscate 'yong phone ko," ani Bernardo.

"Ang rule ko sa kaniya, lahat puwede mo gawin. Puwede siya magalit sa'kin, puwede niya ako murahin. She can do everything except walk out," kuwento naman ni Molina.

Pansamantala rin daw nalungkot si Bernardo sa Hong Kong dahil sa mga panuntunang itinakda ni Molina, gaya ng hindi pagkausap sa kaniya ng co-stars at crew.

"Noong first week ko, 'yon 'yong sinabi ko na umiiyak ako every night. Gusto ko magpa-book ng ticket pauwi," ani Bernardo.

"Ayoko nang tapusin 'yong movie kasi hirap na hirap na ako," ani Bernardo.

Itinago pa raw noong una si Daniel Padilla sa kaniya nang magpunta itong Hong Kong para sopresahin siya.

"Noong pumunta siya medyo heavy scene po noon so ginawa nila, tinago siya sa'kin," ani Bernardo.

Mapapanood sa mga sinehan simula Hulyo 31 ang "Hello, Love, Goodbye," kung saan katambal ni Bernardo si Alden Richards.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.