TINGNAN: Kathryn, may bagong hairdo

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 08:30 PM | Updated as of Jul 14 2017 11:25 PM

Inilantad na sa publiko ni Kathryn Bernardo ang kanyang bagong gupit sa seryeng "La Luna Sangre" kagabi ng Huwebes. 

Sa nasabing teleserye, ginaganapan ni Bernardo ang papel ng bidang si Malia. 

Napagdesisyonan ni Malia na gupitan nang maikli ang kanyang buhok upang makapagkunwaring lalaki at mabuhay sa siyudad kung saan nangingibabaw ang mga lalaki. 

Nagtatrabaho na rin si Malia bilang kargador sa bigasan. Kasama niya sa trabaho ang mga matitipunong lalaking doble ang edad kaysa kanya. 

Pinaplano rin niyang looban ang organisasyon ng mga bampira na pinangungunahan ng Supremo na si Richard Gutierrez. Balak din niyang patayin ang Supremo. 

Iba-iba naman ang naging reaksiyon ng mga netizen sa gupit ni Bernardo. 

May ilang natuwa dahil sa dedikasyon ni Bernardo sa kanyang trabaho. 

Pinagpistahan naman ng iba, at ang ilan pa ay inihalintulad siya kay Jake Zyrus.

Samantala, nagpakitang gilas naman si Daniel Padilla sa kanyang maaaksiyong galaw, na ikinatuwa naman din ng mga netizen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.